(NI BETH JULIAN)
AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na walang sapat na tao ang gobyerno para mamantine ang aspeto ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Ang pag amin ay inihayag kasabay ng kautusang pagpapakilos sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection para tumulong sa mga pulis at sundalo sa peace and order efforts ng pamahalaan.
“You have to help in the maintenance of law and order. Do not limit yourself diyan sa ano. Kulang nga tayo ng tao eh. I will explain in the coming days. But I’m about to do something drastic. It will not sit well with everybody, maybe including you, but it is needed,” wika ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na dapat magkaroon ng partisipasyon ang mga bumbero sa kani-kanilang nasasakupan sa pananatili ng peace and order, at hindi lamang i-limit ang kanilang tungkulin sa pagpuksa lang ng sunog.
“You help in the maintenance of peace and order. Tutal wala man kayong gawin. Within your area of jurisdiction, make it safe for everybody. ‘Yang area mo kung saan ang istasyon mo. Just make sure that everything, everywhere… If you do that, it will go a long way to help,” pahayag pa ng Pangulo.
“Ang bumbero pa naman walang hinintay kung hindi matulog. Tapos pagkakain, tapos tulog. Maggalaw lang ‘yang mga g*** ‘pag may sunog. ‘Pag walang sunog, wala ‘yan. Sige sugal. Ayan, mahuli,” ayon sa Pangulo.
Naisip ng Pangulo ang kautusan sa BFP dahil nababahala na siya sa mga insidente ng patayan sa lugar.
241