DU30 SA PNP: ENDING, VIDEO KARERA ‘WAG HIGPITAN

ending44

(NI BETH JULIAN)

INAASAHAN nang nagpipista ngayon ang mga operator ng ‘ending’ o ‘last two digits’ o video karera matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang higpitan at pakialaman ng PNP ang operasyon ng nasabing sugal.

Sa talumpati ng Pangulo sa ika- 118th Police Service Anniversary ng PNP, ikinatwiran nito na hindi naman kalakihan ang taya at larong pangmamahirap lamang ang ‘ending’ at video karera kaya’t  walang dahilan para pag-initan pa ito.

Paalala ng Pangulo sa mga pulis, kapag may hinuli ang mga ito na nagpapataya ng ending ay ang mismong humuli ang magbabayad ng piyansa para sa kanilang inaresto.

Pero, nilinaw ng Pangulo na ibang  usapan naman kapag ang ‘ending’ ay pinatatakbo ng mga sindikato o  kaya ay mga hustler, dito na dapat makialam ang pulisya.

“Huwag lang pumasok ang  sindikato. ‘Pag ang ‘last two’, hawakan with people who are known to be gamblers and professional manipulators, you have to intervene,” paglilinaw ng Pangulo sa mga pulis.

Iginiit din ng Pangulo na hindi na rin dapat pang maghigpit sa larong video karera dahil nakatutulong din ito sa mga Filipino na walang trabaho.

Katwiran ng Pangulo, kapag naghigpit sa lahat ng uri ng sugal gaya ng nasabing tinatawag na pang masang laro ay tiyak na ang kapalit  nito ay ang pamamayagpag ng ilegal na droga dahil posibleng pumasok ang mga nangangailangan sa nasabing ilegal kapalit ng pera.

339

Related posts

Leave a Comment