BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang Pampanga at personal na ininspeksiyon ang bayan ng Porac na lubhang naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes ng hapon.
Kasama ng Pangulo si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tubong Pampanga.
Sentro ng pagyanig ang Castillejos, Zambales may 100 kilometro ang layo sa northwest ng Manila, subalit lubhang apektado ang Pampanga dahil malambot umano ang lupa nito, ayon kay Phivolcs chief Renato Solidum.
Matapos ang inspeksiyon ay binisita rin ng Pangulo ang Pampanga Provincial Capitol sa San Fernando para kausapin ang ilang disaster officials.
Isinailalim na nitong Martes ang ikalawang district ng Pampanga sa state of calamity. Ito ay kinabibilangan ng Floridablanca, Guagua, Lubao, Porac, Santa Rita, at Sasmuan.
133