DUTERTE HUMINGI NG TULONG SA REBELDE

npa

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komunistang rebelde na tumulong sa pagdakip sa mga pumaslang kay

Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at sa police escort nitong si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz

sa Albay noong December 22.

Ito ay sa harap ng pagsabi ng National Democratic Front of the Philippines-Bicol Region na walang kinalaman ang

New People’s Army (NPA) sa pagpaslang.

“Kaya isa nga kayo sa mga suspect, NPA. Pero sabi niyo hindi, ‘di hindi. Eh ngayon kung hindi kayo, sino? Sige daw.

Magkaibigan man talaga tayo. Kung hindi kayo, sino? Bigay mo sa akin ‘yung pangalan,” paghamon ng Pangulo sa

mga rebelde.

Politika ang isa pang anggulong tinututukan ng awtoridad sa pagpatay kay Batocabe. Itinaas na rin ng Pangulo sa

P50 milyong reward sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng tip sa pagpatay sa kongresista at police

escort nito.

268

Related posts

Leave a Comment