MAAARING atakihin ng China ang Pilipinas at Taiwan kapag lalo pang umigting ang hidwaan ng Russia at Ukraine dahil sa presensya ng puwersa ng Estados Unidos.
“Kung lumaki ang gera between Russia and Ukraine, pag sumabog ito, naging nuclear, medyo delikado na tayo. ‘Pag nagputok ang isang, alam mo tatamaan talaga tayo,” ang pahayag ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi sa campaign rally ng PDP-Laban.
“Bakit ako nakipagkaibigan, tutal ang Amerika nandito na rin, kung may gera tatamaan talaga tayo because nandito ang Amerikano at marami silang armas dito,” dagdag na pahayag nito.
“Kung magka-leche leche ito, pag sumali ang China, they would probably hit Taiwan and the Philippines, sigurado yan. Sigurado ako kasi nandito nga sila, eh kung yung World War 2 walang Amerikano rito eh di walang rason ang mga Hapon na magpunta rito,” aniya pa rin.
Sa naturang campaign rally ng PDP-Laban, sinabi ni Pangulong Duterte na binanggit niya kay Chinese President Xi Jinping na “walang away” ang Pilipinas at China. (CHRISTIAN DALE)
93