(NI BERNARD TAGUINOD)
MISTULANG tinukuran sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Duterte Youth party-list matapos ihain ang resolusyon na nanawagan sa Commission on Election (Comelec) na isyuhan na ng certificate of proclamation (COP) ang kanilang mga kinakatawan sa Kapulungan.
Sa House Resolution (HR) 552 na iniakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ipinapapirma sa mga kongresista, nais ng Kamara na madaliin ng Comelec ang pag-isyu ng COP.
Kasama ni Cayetano sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Minority Floor Leader Bienvenido Abante, Deputy Speakers Mikee Romero, Rodante Marcoleta, Conrad Estrella at Eduardo Villanueva sa bumuo sa nasabing resolusyon.
“….the prolonged or more than six months unresolved and undecided cases evidently deny due process… including the disenfranchise Filipinos who voted for… Duterte Youth (347,297),” ayon sa resolusyon.
Ang first nominee ng Duterte Youth na si dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema ay hindi tinanggap ng Comelec dahil lagpas na ang edad nito para maging kinatawan ng mga kabataan sa Kamara.
Dahil dito, wala pang kinatawan ang nasabing party-list group sa Kamara mula nang manalo ang mga ito ng isang upuan sa Kamara noong Mayo 2019 election.
Nabatid na ipinalit ni Cardema ang kanyang asawa na si Ducielle matapos itong mag-withdraw subalit hanggang ngayon ay hindi pa nag-iisyu ang Comelec ng kanyang COP.
“Under Rule 25 Part V of the Rules of Procedures of the COMELEC, the resolution and/or decision of the Petition for Disqualification must not be delayed,” ayon pa sa resolusyon.
339