E-CIGARETTES ‘DI LIGTAS GAMITIN

vape22

(NI NOEL ABUEL)

NAGKAKAISA ang mga eksperto na hindi maituturing na ligtas gamitin ang mga electronic cigarettes (e-cigs) sa kabila ng marami ang naniniwala na mas mabuti ito kung ikukumpara sa sigarilyo.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, nagkakaisa ang mga eksperto mula sa Department of Health (DOH), sa World Health Organization (WHO), at sa Philippine College of Physicians (PCP) sa pagsasabing walang patunay na mas ligtas gamitin ang mga heated tobacco products (HTPs) at vape products kung ikukumpara sa mga conventional cigarettes.

“There is no statement from the (US) FDA that it is safe. So let’s be clear about that. Nililinlang naman natin ang mga tao kapag sinasabi nating safe. Pati ang WHO, walang sinabi na safe ‘yan,” giit ni Cayetano.

“Kahit ano pang claim ang sabihin nila, and one of the claims being mentioned by the resource persons of Philip Morris is ‘yung pinayagan na ibenta ang e-cigs sa US, is ‘yung pinayagan daw ng FDA – the Food and Drug Administration in the US. But there is no statement from the FDA that it is safe. So let’s be clear about that. So, every time may nagpapadala sa amin ng position paper, may lumalabas na mga news articles, wina-warning-an ko sila na mag-ingat sila sa pagsasabing ‘safe’ kasi nililinlang naman natin ang mga tao kapag sinasabi nating safe kasi kahit naman ang US FDA walang sinabi na safe ‘yan. Pati WHO, walang sinabi na safe ‘yan,” paliwanag ni Senador Pia Cayetano, chairman ng nasabing komite.

“If there was one clear take away from the Senate’s latest committee hearing on proposals to raise ‘sin’ taxes, it’s that electronic cigarettes (e-cigs) are  ‘definitely’not safe and could pose risks to people’s health,” giit nito.

Ganito rin aniya ang pananaw ng mga eksperto sa pag-aaral at kasanayan sa ibang bansa tulad ng United States, Japan, at United Kingdom, na hindi nakakabuti ang e-cigarettes.

“There’s no truth to such claims that e-cigarettes are safe]. Para sabihin mong less harmful, well, then what is the degree of harm that is acceptable?” ayon pa sa senadora.

 

 

301

Related posts

Leave a Comment