ELECTION PERIOD NG MIDTERM POLLS SIMULA NA BUKAS

comelec

(NI MITZI YU)

SIMULA na bukas ang election period para sa midterm polls sa Mayo gayundin ang implementasyon ng gun ban . Ito naman ang binigyan-diin ng Commission on Elections(Comelec) spokesman James Jimenez Biyernes ng hapon.

Ayon kay Jimenez, mga bagong senador,  kongresista at mga konsehal ng mga local government ang makikita sa Mayo 13. Ang presidential at vice presidential elections ay magaganap naman sa 2022.

Paliwanag ni Jimenez, aabot naman sa 1.7 milyong Filipino sa abroad ang inaasahang  boboto.

Kasabay nito, ilalagay na rin simula bukas ang Comelec checkpoints  at implementasyon ng gunban maliban na lamang  sa mga may banta sa buhay.

Pinayuhan din ni Jimenez ang mga kandidato na tanggalin pansamantala ang kanilang mga campaign materials.

Ani Jimenez, ngayon pa lamang ay dapat nang simulan ng malinis ang campaign at election period.

Kung hindi aniya aalisin ang mga campaign materials sa pagsisimula ng campaign period nangangahulugan lamang na ito ay may consent sa  kandidato.

Tulad ng nakasanayan, hiniling ng Comelec ang tulong ng pulis at military para sa 2019 elections.

135

Related posts

Leave a Comment