EMERGENCY POWERS NI DU30 POSIBLENG GAMITIN SA NEGROS

NEGROS ORIENTAL22

(NI BETH JULIAN)

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang kanyang emergency powers para wakasan ang lumalalang karahasan sa Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, galit at hindi na makapagpigil ang Pangulo sa ginagawang paghahasik ng gulo ng New People’s Army (NPA).

Sa inilabas na statement ng Malacanang, sinasamantala na ng mga rebeldeng komunista ang nangyayaring land dispute sa lugar at tila inaangkin ang probinsya.

Bunsod nito, kinokonsidera na ng Pangulo na gamitin ang kanyang emergency power para masupil ang mga imsidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga rebelde.

Giit ng Malacanang, sobra na ang ginagawa ng rebeldeng grupo kung saan mistulang sila ang nagpapasya sa kung sinu-sino ang dapat na magmay-ari ng mga lupain sa lalawigan.

Kaya naman ibinabala ng Pangulo na dapat nang tapatan ang inihahasik na kaguluhan ng rebelde sa mga inosenteng sibilyan at mga awtoridad sa lugar.

Una nang naglabas ng P5 milyon halaga ng reward money ang Pangulo para sa makahuhuli sa mga pumatay sa apat na pulis Negros, buhay man o patay.

139

Related posts

Leave a Comment