ESCALATORS SA MRT-3 GUMAGANA NA

(KEVIN COLLANTES)

HINDI na mahihirapang umakyat sa mga istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang mga pasahero.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito’y dahil gumagana na at nagagamit ng mga pasahero ang lahat ng 34 na elevators sa mga istasyon ng MRT-3, gayundin ang 29 sa may 46 na escalators nito.

Tiniyak pa ng DOTr na sa lalong madaling panahon ay maaayos na rin ang natitira pang sirang escalators ng linya ng tren.

Sa Facebook post ng DOTr, ipinaskil pa nito ang isang video kung saan mapapanood ang mga pasahero na sakay ng escalator ng MRT-3 Guadalupe Station.

Ayon sa DOTr, ang pagsasaayos sa mga elevator at escalator ay bahagi ng rehabilitasyong isinasagawa nila sa MRT-3, na ang layunin ay maibalik ito sa “high-grade design condition.”

Ang MRT-3 ay bumibiyahe mula Taft Avenue, Pasay City hanggang sa North Avenue, Quezon City at pabalik, via  Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

 

143

Related posts

Leave a Comment