MAGSISILBING barometro ang resulta ng inilatag na vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19 upang malaman kung tuluyang ipagbabawal o hindi ang face-to-face campaigning ng mga kandidato sa 2022 elections.
Sa kasalukuyan ani Presidential spokesperson Harry Roque ay dapat munang hintayin ang kalalabasan ng pagbabakuna na posibleng pasimulan na sa loob ng buwang ito, lalo na’t mayroon pa naman aniyang sapat na panahon para mapagpasyahan ang nasabing usapin.
Sinabi ni Sec. Roque na nais ng pamahalaan na mabakunahan ang 100% population ng mga adult sa bansa ngayong 2021 kung saan ay naniniwala ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa
Duterte na kapag nagtagumpay ang pamahalaan na makuha ang target na ito ay malaki ang posibilidad na maiibsan na ang pangamba ng publiko sa face-to-face campaigning. (CHRISTIAN DALE)
93