CA APPLICANT HINARANG NI GADON

(NELSON S. BADILLA)

IPNARATING ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon sa Korte Suprema ang kanyang pagtutol sa aplikasyon ng isang abogado na maging “associate justice” (AJ) ng Court of Appeals (CA).

Ang CA ay napakahalagang yunit sa sistema ng hudikatura sa Pilipinas.

Ang mga mahistrado ng bawat dibisyon dito ay nagpapasya sa mga kasong napupunta sa kanila upang hatulan kung tama at naaayon sa mga batas at mga umiiral na jurisprudence ng hudikatura, o hindi.

Ang mga mahistrado rito ay mga beteranong hukom at abogado na posibleng maging mga mahistrado ng Korte Suprema sa susunod na mga taon.

Isa sa mga rekesito upang maging AJ ng CA ay walang kasong kriminal, o administratibo, o pareho, na nakasampa sa anomang korte sa bansa.

Wala rin itong nilabag na anomang batas at alituntunin sa mga naging trabaho niya sa mga nakaraang taon.

Sa kanyang liham kay Chief Justice Diosdado Peralta, binanggit ni Gadon na si Atty. Milagros Cayosa ay hindi pumasa nang mag-apply ito noong 2019 bilang AJ ng Court of Tax Appeals (CTA) dahil sa kanyang “failure to disclose pending administrative complaints against her”.

Nagpasa ng liham ng pagtutol si Gadon sa aplikasyon ni Cayosa kay Peralta dahil ang huli ang pinuno ng Judicial and Bar Council (JBC).

Batay sa batas, ang JBS ang mga pumipili sa tatlong mangungunang kandidato na tatanggapin at itatalaga na maging AJ sa bakanteng posisyon sa CA.

Si Cayosa ay dating kasapi ng JBC.

Ang mga nagreklamo at tumutol noon sa aplikasyon ni Cayosa sa CTA ay sina Gadon, namayapang Rep. Reynaldo Umali at iba pang personalidad.

Sa kanyang liham kay Peralta, ipinaalala at ipinaliwanag ni Gadon na: “My complaint against Atty. Cayosa [was] anchored on her failure to fulfill her duties as a member of the JBC particularly in screening the documentary requirements of then applicant for [Supreme Court] Chief Justice, Atty. Maria Lourdes Sereno, who failed to submit her complete Statements of Assets Liabilities and Networth (SALN)… To emphasize [my exact complaints against Atty. Cayosa’s application for the position of AJ in the CTA], Atty. Cayosa’s failure to adhere to the proper screening process precipitated a big scandal in the history of the judiciary which led to the wrongful appointment of an unqualified applicant for the highest position in the judicial branch of the government.

Likewise, in one of the hearings at the House of Representatives for the impeachment of Atty. Maria Lourdes Sereno, it was revealed that Atty. Cayosa treated the application of CA Justice Fernanda Peralta with unreasonable strictness while being lenient to the other applicants, thus giving advantage to the latter”.

Idiniin ni Gadon na ang “pagtutol” sa aplikasyon ni Cayosa sa anomang posisyon sa matataas na organo ng hudikatura “should be carried not only for one application, but through all her other applications”, lalo pa’t si Cayosa ay naging miyembro ng JBC.

Hiniling ni Gadon sa JBC na ituring ang kanyang liham bilang pagpapatuloy ng kanyang naunang pagtutol sa aplikasyon ni Cayosa sa mataas na posisyon sa hudikatura ngayon sa CA at sa mga susunod pang panahon.

120

Related posts

Leave a Comment