GAGAMITING DEVICE SA HALALAN IPINASUSUMITE NG COMELEC

comelec12

Ni FRANCIS SORIANO

SA Lunes (April 1) ang umpisa hanggang Biyernes (April 6) ang pagsusumite sa Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga partido o mga end-users para isumite ang mga electronic devices na gagamitin sa pagkuha ng kopya ng May 13 elections result.

Ayon sa Teofisto Elnas, Comelec Director IV,  limang araw lamang ang ibinibigay ng komisyon para isumite ang gagamiting laptop, usb storage devices at lan cable sa magiging work station ng mga ito sa transparency server room ng Comelec, para masuri ito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9363, mabibigyan ng election precinct results ang election board of canvassers, mapipiling dominant majority at minority party, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP).

Dagdag pa nito na magtatalaga sila ng ‘gatekeeper’ na siyang sasala at magko-control sa mga update sa halalan para sabay-sabay itong ibigay at isapubliko ng kagawad media.

250

Related posts

Leave a Comment