GAMOT SA CANCER, DIABETES ISASAMA SA MAXIMUM RETAIL PRICE

doh

(NI HARVEY PEREZ)

PLANO ng Department of Health (DOH) na isama ang mga gamot sa cancer at diabetes sa maximum retail price.
Lumalabas na ang Pilipinas ang may  pinakamahal na gamot  kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia.

Ito umano ay  sa kabila ng umiiral na Cheaper Medicines Act of 2009 sa bansa pero  napakataas pa rin ng presyo ng mga gamot sa Pilipinas.

Ang maximum retail price ay huling naipatupad  noong 2009 sa limang gamot lamang sa Pilipinas.
Nalaman sa DOH na ang gamot para sa cancer na nagkakahalaga ng P4,297 sa Pilipinas pero  ito ay P2,974 lamang sa Thailand at P2,511 naman sa Malaysia.

Ayon kay DOH Pharmaceutical Division Chief Dr. Melissa Guerrero,  lalagyan lamang nila ng ceiling price ang mga wholesale para ang mga drug stores ay hindi na magkakaroon ng patong pa sa mga presyo.

Kasama rito,ang  mga gamot para sa hypertension, cardiovascular disease, diabetes, lung cacner, breast, colon at liver, kidney disease.

 

191

Related posts

Leave a Comment