PINOY SA INDIA, PAKISTAN PINAG-IINGAT

kashmir22

(NI DAVE MEDINA)

BINALAAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa India at Pakistan na manatiling maingat at alerto kaugnay ng  tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Pinayuhan din ng Kagawaran ang mga Filipino na iwasang pumunta sa Himalayan region ng Kashmir dahil sa pagsiklab ng engkwentro Huwebes ng umaga..

Umaasa ang DFA na mapipigilan ang paglala ng sitwasyon sa pagitan ng India at Pakistan sa lalong madaling panahon.

Nilinaw pa ng DFA na walang nakatirang Pinoy sa mismong Kashmir region, subalit mayroong pitong Filipino military observers kasama ang United Nations Military Observer Group in India and Pakistan (UNMOGIP).

Patuloy naman ang pag-monitor ng kagawaran sa sitwasyon sa dalawang bansa dahil mayroong 1,780 Filipino sa Pakistan at 1,167 sa India.
Tiniyak naman ng DFA na ligtas ang pitong Filipino military observers.

 

144

Related posts

Leave a Comment