GMA: DIOKNO ‘DI AARESTUHIN

gma1

Tiniyak ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi maaaresto si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno kapag hindi ito dumalo sa pagdinig sa Kamara hinggil sa mga isiningit umano nitong pork barrel sa 2019 national budget.

Ginawa ng Majority leader ni Arroyo na si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., ang nasabing pagtiyak dahil hindi umano dadalo si Diokno sa kanilang isasagawang pagdinig simula Enero 3, 2019.

“Alam po ninyo pag-iisipan din namin iyan (na gamitin ang kapangyarihan ng Kamara)  pero alam po ninyo iniisip din namin ang kabuoang katahimikan ng ating gobyerno,” ani Andaya.

“Masarap sanang isyuhan ng subpoena dahil alam po naming hindi pupunta. Pero ano naman ang mangyayari pagkatapos? Hindi pumunta, ipapaaresto mo? O di maghahabulan lang tayo dito. Hindi na. Ang balak namin imbitahan na lamang siya, na pormal. Kung talagang ayaw niya, di ganun na lang,” ani Andaya.

Naging patakaran na sa Kongreso na lahat ng mga iniimbitahang resource persons sa sa kanilang public hearing na hindi sumisipot sa loob ng tatlong imbitasyon ay iniisyuhan ng subpoena.Kapag hindi pa rin sumipot ang nasubpoena na resource ay mag-iisyu na ng subpoena ang Speaker kapag inirekomenda ito ng mayorya sa mga miyembro ng committee.

182

Related posts

Leave a Comment