GUANZON ‘DI AATRAS SA DQ CASE NI CARDEMA

(NI HARVEY PEREZ)

WALANG plano na mag-inhibit si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon  sa disqualification case na kinakaharap ni dating Youth Commissioner Ronald Cardema.

Matatandaan na diniskuwalipika ng Comelec First Division si Cardema para maging kinatawan ng Duterte Youth sa Kongreso dahil sa pagiging overaged nito.

Iba nang humarap  sa media si Cardema at inakusahan si Guanzon nang panghihingi umano ng pera at pabor sa kanya kapalit nang pag-apruba sa akreditasyon ng Duterte Youth party-list.

Naniwala naman si Guanzon na binabato siya ng kung anu-anong alegasyon ni Cardema upang udyukan siyang mag-inhibit sa disqualification case nito.

“Awayin niya ko in public para mag-inhibit ako,. “Aba’y bakit ako mag-i-inhibit di ba?”
Hindi umano  maintindihan ni Guanzon  kung bakit siya ang pinupuntirya ni Cardema lalo’t hindi naman siya ang nagponente o nagsulat ng desisyon sa kaso nito.

Hinimok  naman ni Guanzon si Cardema na kumuha ng magaling na abogado at ilaban ang kanyang kaso, at kung kinakailangan ay iapela ito hanggang sa Supreme Court (SC).

Iginiit pa ni Guanzon  na malinaw na panggugulo sa institusyon ng Comelec ang ginagawa ni Cardema.

Inakusahan din nito si Cardema na  sinisira ang imahe ng Comelec at dahil sa mga alegasyon nito, ang tingin ngayon ng mga tao sa kanila ay mga korap, at hindi umano  nila ito maaaring payagan.

Nanindigan din ang commissioner na patas ang kanilang desisyon dahil talaga namang overaged si Cardema, na siyang naging basehan ng kanilang desisyon.

162

Related posts

Leave a Comment