HERBOSA AT TIU LAUREL PASADO NA SA CA

LUSOT na sa Commission on Appointments ang ad interim appointments nina Health Secretary Teodoro Herbosa at Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel.

Ito ang pangalawang pagkakataon na sumalang sa CA hearing si Herbosa matapos ma-bypass noong Setyembre dahil sa dami ng mga mambabatas na magtatanong at sa kakulangan na rin ng oras bunsod session break.

Agad ding ni-reappoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Herbosa matapos na ma-bypass ng CA.

Bago ang pag-apruba sa ad interim appointment ng kalihim kabilang ang naitanong sa kanya ang mababang utilization ng pondo ng DOH para sa taong 2022, ang mga kontrobersyal na social media posts nito noong panahon ng pandemic laban sa mga healthcare workers, community pantry at red-tagging, ang napakatagal na distribusyon ng emergency allowances para sa mga health care workers, interventions at repormang ilalatag sa Universal Health Care Law, at iba pang isyu sa departamento.

Sa huli ay kanya-kanyang ‘manifestation of support’ naman ang inihayag ng mga senador at kongresista para kay Herbosa.

Inaprubahan din ng CA ang ad interim appointment kay Tiu-Laurel na nagpakilala nangako na sasampahan na ng kaso ang mga agricultural smuggler sa unang quarter ng susunod na taon kasunod na rin ng pagbuo nila ng Information and Intelligence Division.

Inirekomenda rin ng kalihim ang pagbuo ng programa para sa importasyon upang hindi maisabay ang pag-aangkat sa panahon ng anihan ng mga produkto.

(DANG SAMSON-GARCIA)

65

Related posts

Leave a Comment