HIGIT 1-K PINALAYANG CONVICT INILAGAY SA BI LOOKOUT

(NI HARVEY PEREZ)

IPINALAGAY ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Immigration Look-out Bulletin Order (ILBO), ang higit sa 1,000 convicts na pinalaya sa ilalim ng Good Conduct  Time Allowance (GTCA).

Inatasan din ni Guevarra ang lahat ng paliparan at daungan na i-monitor nang mabuti.

Gayunman, sinabi ni Guevarra na hindi basta basta mapipigilan ang mga inmate kung lalabas sila ng bansa.

Samantala, sinabi ni Guevarra na may 10 na sa mga pinalayang inmate ang nagpahayag na susuko, kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa kulungan ang may 1,700 convicts.

Gayundin, sinabi ni Guevarra na posibleng ideklarang ‘fugitives’ ang mga pinalabas na inmate kung hindi sila susuko sa loob  ng 15 araw na grace period at doon na papasok ang warrantless arrest.

Samantala, nalaman na nag-impake na sa kanyang tanggapan ang nagbitiw na Bureau of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

Dumating umano si Faeldon sa BuCor ng alas 2 ng madaling araw, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, at nagligpit ng kanyang gamit.

Pinagbilinan pa umano ni Faeldon ang kanyang mga tao na pagbutihin ang kanilang trabaho dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maglingkod sa bayan.

318

Related posts

Leave a Comment