HIGIT 1,000 PULIS SA PARTISAN POLITICS SISIBAKIN

pnp1

(NI JG TUMBADO)

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na tutuluyang alisin sa serbisyo ang mga pulis na direktang sangkot sa pagkiling sa ilang mga politika noong panahon ng eleksyon.

Kasunod ito ng isinasagawang imbestigasyon nila hinggil sa natanggap na report na may isang 1,000 pulis na sangkot sa partisan politics.

Sa press briefing, sinabi ni Albayalde na ilan sa mga pulis ay nagsilbi umano bilang security aide ng mga kandidato.
Ilan aniya ang mga ito ay ni-relieve at isinasailalm sa imbestigasyon.

Pinaalalahanan naman ng PNP chief ang lahat ng pulis na maging tapat at magkaroon ng non-partisan character bilang kasapi ng isang law enforcement agency.

Bago pa lamang ang araw ng halalan ay nauna nang sinampahan ng reklamo ang ilang tauhan ng PNP dahil sa pagpanig sa ilang mga politiko lalo na sa mga lokal na posisyon.

231

Related posts

Leave a Comment