HIGIT 27-M ESTUDYANTE BALIK-ESKWELA SA JUNE 3

student12

(NI KEVIN COLLANTES)

MAHIGIT sa 27 milyong estudyante mula sa elementarya at high school ang inaasahang magbabalik-paaralan na sa Hunyo 3, na unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Inaasahan naman ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali, na madaragdagan pa ang naturang bilang dahil karaniwan na aniyang nadaragdagan pa ito sa mismong araw ng pasukan.

“If we base the number of students we had in the school year 2018-2019, there will be around 27 million students this school year in public elementary and high schools. That is what we are expecting,” anang education official, sa panayam sa radyo.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Umali ang publiko na mag-boluntaryo at makiisa sa idaraos nilang Brigada Eskwela sa susunod na linggo upang maihanda ang mga pampublikong paaralan sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

“Inaanyayahan po natin ang lahat ng tagapakinig, tayo na, mag-Brigada Eskwela na,” ayon kay Umali.

Isinagawa na ng DepEd ang kick-off program para sa 16th Brigada Eskwela, nitong Huwebes, Mayo 16, sa Alfonso Central School sa Alfonso, Cavite.

Ang naturang aktibidad ngayong taon ay may temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan.”

Pormal naman itong sisimulan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa mula Mayo 20 hanggang 25, 2019, at susundan ng Oplan Balik Eskwela mula naman sa Mayo 27 hanggang Hunyo 7, 2019.

 

162

Related posts

Leave a Comment