IBA PANG SANGKOT SA PHARMALLY AT LAPTOP SCANDALS, KASUHAN

WALANG dapat makalusot sa mga anomalya sa gobyerno.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva kasabay ng papuri sa Ombudsman sa paghahain ng kasong katiwalian laban sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang si dating Department of Budget Undersecretary Christopher Lao kaugnay sa maanomalyang paglilipat ng COVID-19 mula sa Department of Health patungong PS-DBM.

Ipinaalala naman ni Villanueva na si Lao ay sangkot din sa procurement ong overpriced laptops para sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Villanueva na posibleng mas marami pang sangkot sa anomalya kaya’t dapat magpatuloy pa ang paghahanap ng hustisya at pananagutan.

“We urge the Ombudsman to exercise the same commitment to accountability by expeditiously filing charges against other companies and its officials involved in the Pharmally scandal,” saad ni Villanueva.

Kasabay nito, iginiit ng senador na hinihintay din nila ngayon ang malinaw na aksyon ng Ombudsman sa overpriced at outdated laptops na binili ng Department of Education.

Lumitaw anya sa audit reports at mga pagsisiyasat na punung-puno ng iregularidad ang naturang procurement na hindi rin dapat palampasin ng Ombudsman.

“Nabudol po ang gobyerno at taumbayan sa mga transaksyon sa Pharmally at DepEd laptops. Salapi po ng taumbayan ang ibinulsa at ninakaw kaya kailangan managot ang lahat ng sangkot dito,” diin ni Villanueva.(Dang Samson-Garcia)

46

Related posts

Leave a Comment