IBA PANG VIRUS, PAGHANDAAN – PDU30

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangan na ring paghandaan ang ilan pang infectious disease na posibleng umusbong sa gitna ng nararanasan pa ring problema sa COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ng Chief Executive na maaaring gawin ang kaukulang paghahanda sa pamamagitan ng research and capacity-building pagdating sa health technology development.

Aniya, nakikita rin ng Punong Ehekutibo na kailangan nang paganahin ang ASEAN Center for Biodiversity.

Malaki umano ang maiaambag nito upang labanan ang wildlife trafficking na makapipigil sa pagkalat ng revent zoonotic diseases.

Ilang malulubhang sakit na tumama sa buong daigdig ang naiulat na galing sa mga hayop gaya ng SARS na umano’y civet cat o alamid ang pinagmulan habang ang AIDS naman ay galing umano sa chimpanzee at galing naman daw ang COVID sa paniki. CHRISTIAN DALE

90

Related posts

Leave a Comment