Paglilinaw ng DILG sa kampanya kontra COVID-19 HEALTH WORKERS NASA BATTLEFRONT, HINDI MILITAR

NILINAW ni Interior Secretary Eduardo Año na ang Inter-Agency Task Force on COVID-19 at hindi military ang nasa battlefront ng kampanya ng gobyerno laban sa coronavirus particular sa Cebu.

“Hindi naman talaga military ang approach kasi it is led by the IATF . . . Kasama lang ang security forces dito, kasi ECQ (enhanced community quarantine),” paliwanag ni Año.

Aniya, mga doktor, nurses at medical health workers pa rin ang taagang nasa forefront na lumalaban sa coronavirus pandemic.

“Anywhere you look even in other countries . . . Kasama talaga ang security forces dito.” Ayon sa kalihim, marahil dahil lantad ang mga sundalo at pulis kaya inaakalang military ang nangunguna sa kampanya.

“From the words ‘extreme community quarantine,’ even if you read the definition, No. 1 talaga ang visibility ng uniformed personnel. It is only through proper compliance para ma-stop ang spread ng COVID virus,” dagdag pa ng kalihim.

Maging si JTF Covid Shield Commander P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar ay idinepensa ang malaking presensiya ng PNP- SAF commando at sundalo sa Cebu City para tumulong sa pagpapatupad sa istriktong quarantine protocols sa siyudad na itinuring ngayong epicenter ng COVID-19.

Sinabi ng heneral na hindi kalaban ng mga Cebuano ang mga pulis at sundalo kundi kakampi nila sa paglaban sa paglaganap ng nakamamatay na virus.

Mahigit 100 SAF commando ang kasalukuyang nasa Cebu para tumulong sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine protocols kasama ang mga sundalo na dineploy ng AFP Central Command.

Personal na tinungo ni Eleazar ang Cebu City para inspeksyunin ang implementasyon ng ECQ measures sa siyudad kasama sina P/MGen. Emmanuel Licup, director ng Directorate for Operations, Police Major General Israel Ephraim Dickson, director of the Integrated Police Operations – Visayas at SAF Director, Police Major General Amando Clifton Empiso. (JESSE KABEL)

143

Related posts

Leave a Comment