IBP UMAPELA SA PAGPASLANG SA MGA ABUGADO

ibp12

(NI TERESA TAVARES)

UMAPELA ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Supreme Court na  umaksiyon na laban sa mga pag-atake sa mga abugado sa bansa.

Mariing kinondena ng IBP ang pamamaslang sa isa nilang kasamahan sa Davao del Norte.
Sinabi ni IBP President Abdiel Dan Elijah Fajardo na ang pagpatay kay Atty. Rex Jasper Lopoz, Huwebes ng gabi, ay ang ika- 38 na sa kanilang hanay mula noong Agosto 2016 nang pagbabarilin ang abugado na si Rogelio Bato Jr, abugado ng napaslang na Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Binaril si Lopoz habang pasakay sa kanyang kotse sa labas ng isang mall sa Tagum City, Davao del Norte.

Ayon kay Fajardo, ang mga abugado ay mga propesyunal na dapat na hindi iniuugnay sa anumang krimen na nagawa ng kanilang mga kliyente dahil ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang tungkulin.

Nananawagan ang IBP sa Korte Suprema na pangunahan ang masusi at impartial na imbestigasyon sa pagpatay sa mga lawyer sa pamamagitan ng diyalogo sa pagitan ng SC, IBP, security forces at ilan pang organisasyon para matiyak ang seguridad ng mga abugado, maging mga prosecutor at hukom.

142

Related posts

Leave a Comment