IMPEACHEMENT VS DU30 ‘DI HAHADLANGAN

duterte12

(NI BETH JULIAN)

WALANG balak ang Malacanang na hadlangan ang anumang planong paghahain ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa harap ito ng babala ng grupong Pamalakaya na nakaumang ang isasampa nilang kasong impeachment laban sa Pangulo sa sandaling magbalik sesyon na ang Kongreso.

Treason at culpable of violation of the the constitution nang dahil sa kabiguan umano ng Pangulo na protektahan ang exclusive economic zone ng Pilipinas ang grounds for impeachment na ihahain ng grupo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinikilala ng Office of the President ang karapatan ng sinumang Filipino  citizen na maghain ng impeachment complaint laban sa nakaupong Pangulo ng bansa.

Gayunman, bukod sa wala sa lugar, wala umanong basehan ang impeachment complaint laban sa Pangulo.

Tiniyak naman ni Panelo na hindi ipaaaresto at ipakukulong ang mga magsasampa ng impeachment  complaint laban sa Pangulo.

 

148

Related posts

Leave a Comment