ISINUSULONG NI REP. NOGRALES: PROBE SA LAWYERS’ KILLINGS

Rep Juan Fidel Nograles

Nais paimibestigahan  ni House Committee on Justice Vice Chair at Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles sa Kamara ang serye ng pagpatay sa mga abogado, piskal at huwes sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pamamagitan na rin ito ng kanyang inihaan House Resolution No. 185  na humi-hiling sa Kamara na imbestigahan ang pagpatay sa mga tinawag nitong “mga bantay sa Rule of Law.”

Iginiit ng kongresista ang pangangailangan na mabigyan ng garantiya ang kaligtasan ng mga abogado sa  buong bansa.

“Ang pag-atake sa abogasya ay pag-atake sa Rule of Law,” ayon sa kongresista kasa-bay pa rin ng pagsasabing,  “Sa  ilalim ng Basic Principles on the Role of Lawyers, nasa kamay ng gobyerno ang pagtitiyak sa paninilbihan ng mga abogado upang sila ay makagawa ng kanilang tungkulin na walang pananakot, hadlang, harassment o hindi tamang panghihimasok.”

Naniniwala pa ang solon  na kapag napaparalisang maglingkod ang mga abogado dahil sa takot ay dito na umanong magsisimulang humina ang pag-iral ng ‘Rule of Law’ at hindi umano  dapat na mangyayari ito.

Mula Hulyo 2016, umaabot na sa 41 mga abogado––mga karaniwang abogado, piskal at mga huwes––ang napapatay sa bansa.

Dahil na rin dito, umapela si Nograles sa Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) na bumuo ng isang task force na tututok sa pagresolba sa mga krimeng ito.

“Kapag ang mga kriminal na ito ay patuloy na mamamayagpag sa lipunan ng walang habas, lalong tatapang ang iba pang kriminal na gumamit ng dahas at pananakot huwag lamang makapagsilbi sa kanilang mga tungkulin ang mga abogado.Panahon na po para umaksyon. Di na natin pwedeng hayaan na lumala pa ang problema na ito,” dagdag pa ni  Nograles.

Si Nograles, ay may Master’s Degree in Law mula sa Harvard University bukod sa siya ang nangasiwa sa isang free legal aid program sa Rizal bago mahalal sa Kongreso. (PFI REPORTORIAL TEAM)

 

128

Related posts

Leave a Comment