(NI BETH JULIAN)
TAPOS nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na lilikha sa Islamic banking system sa bansa para maging alternatibo sa commercial lenders.
Sa inilabas na anunsiyo ng Palasyo, noong Agosto 22 nang pirmahan ni Duterte ang Republic Act (RA) 11439, na sa ilalim nito ay magkakaroon ng regulation at organization ng Islamic banks, na iba sa business model ng mga bangko, na nagbabawal ng pagpapataw ng interest sa mga loan.
Sa nasabing batas, binigyan ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas para siyang mag-regulate ng Islamic banking players.
Ang Islamic banking ay nakabase sa Shari’ah principles ng mga Muslim, saan pinagbabawal ang riba o receipt at payment ng interest.
Sa pamamagitan nito, sa halip na traditional interest sa loans ay magkakaroon ang Islamic banks ng cost-plus financing, kung saan kukunin ng bangko ang asset at kokolekta ng renta mula sa borrower.
143