JEEPNEY DRIVERS GAGAWING ISKOLAR

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA gitna ng transport strike na ikinasa ng transport group ngayong Lunes, inirekomenda ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gawing iskolar ang mga Public Utility Jeep  (PUJ) drivers lalo na ang mga bata.

Ginawa ni  Laguna Rep. Marylyn Alonte ang panukala upang matulungan ang mga jeepney drivers na magkaroon ng alternatibong hanapbuhay bukod sa pagmamaneho.

“Gawing scholars iyong mga mas batang drivers. The younger drivers can be included in any of the appropriate college education scholarship and assistance programs so they can continue their studies in the state college or university nearest their residence,” ani Alonte.

Nagkasa ng nationwide transport strike ang iba’t ibang transport group upang tutulan ang modernisasyon sa kanilang hanay gayung hindi umano sapat ang tulong na ibinibigay ng gobyerno sa kanila.

Maliban dito, magreresulta umano ang modernization program na ito ng pagkawala ng trabaho  o hanapbuhay ng libu-libong tsuper at mga operator kapag hindi itinuloy ang nasabing programa.

Hindi lamang sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) puwedeng maging iskolar ang mga PUJs kundi sa mga state universities and colleges (SUCs) kapag naaprubahan ang nasabing panukala.

Maliban dito, kailangang irehistro na rin sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang mga jeepney drivers at maging sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para matulungan ang mga ito, kasama ang mga nagmamaneho ng mga  kolorum.

 

277

Related posts

Leave a Comment