JUNE 3, PASUKAN NA SA SCHOOL –DEPED

students12

(NI KEVIN COLLANTES)

ITINAKDA na ng Department of Education (DepEd) sa unang Lunes ng Hunyo ang petsa nang muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2019-2020.

Sa inisyung memorandum order ni Education Secretary Leonor Briones, kabilang sa mga magbabalik-klase sa Hunyo 3, 2019 ang mga public elementary at high schools sa buong bansa.

Nabatid na mayroong 203 school days ang susunod na school year, at nakatakda itong magtapos sa Abril 3, 2020.

Kaugnay nito, ang mga pribadong paaralan naman ay pinapayagan rin ng DepEd na magtakda ng sarili nilang schedule ng pagbubukas ng klase ngunit kinakailangang hindi ito mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi naman mas huli sa huling araw ng Agosto.

Ayon kay Briones, maaari rin namang mag-adjust ng kanilang kalendaryo ang mga public schools upang payagan ang mga paaralan na obserbahan ang mga local at national celebration sa kanilang lugar, para sa kapakinabangan ng kanilang mga mag-aaral.

Sinabi ng DepEd na kung sakaling magkakaroon ng mga hindi planadong suspensiyon ng klase, na maaaring dulot ng mga natural at man-made calamities, inirerekomenda naman ni Briones ang pagsasagawa ng make-up classes o hindi kaya ay ibang uri ng alternatibong pamamaraan, na mapagkakasunduan ng mga school heads, teachers at mga magulang.

Itinakda na rin ng DepEd ang Christmas break sa public schools mula Disyembre 15 hanggang Enero 5.

 

81

Related posts

Leave a Comment