(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI malayong tanggalin na sa Department of Health (DoH) ang pagbili ng gamot matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa P18.5 billion halaga ng mga medisina na hindi naiideliber ng ahensya sa mga public hospital at mae-expire na.
Ito ang nabatid kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor matapos ihain ang House Resolution (HR) 145 para imbestigahan ang bagay na ito at gumawa ng batas upang hindi na ito maulit at isa sa mga ikonokonsidera ng mambabatas ay tanggalin na sa DoH ang pagbili ng mga gamot at ibigay na lamang ang responsibilidad na ito direkta sa mga public hospitals.
“The DOH has admitted that it lacks the logistics – warehouses and transport facilities – to efficiently store and distribute the medicines,” ani Defensor kaya nakatakdang masayang aniya ang P18.5 Billion halaga ng gamot na kanilang nabili mula 2015 hanggang 2018.
“If that is the case, then Congress might as well give portions of the annual multibillion-peso Health Facilities Enhancement Fund directly to public hospitals, so that they can build their own warehouses in their compounds. This way, the medicines are always within the reach of consumers,” anang mambabatas.
Base COA report, sa P18.5 Billion na halaga ng gamot na nabili ng ahensya, P294.767 million ang nasa warehouse lang ng DOH at -expire sa Jan. 31, 2019 habng P19.165 Million naman ang nakatakdang masira sa susunod na isang taon.
Umaabot din umano sa P30.353 million ang naideliber sa mga hospitals and health centers ay nag-expire na noong 2018 kaya dismayado ang mambabatas dahil hirap na hirap ang mga tao na bumili ng gamot na kanilang kailangan pero nabubulok at nasasayang lang ito dahil sa kapabayaan ng DoH.
“Negligence in the management of perishable inventories, especially life-savings drugs, is unacceptable, considering that many poor Filipinos desperately need these medicines,” ayon pa kay Defensor.
280