(NI BERNARD TAGUINOD)
MASAYA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos makakuha ng “good” rating sa pinakahuling ‘satisfaction rating” survey ng Social Weather Station (SWS).
Ayon kay House Majority leader Fred Castro, hindi umano umubra ang paninira sa kanilang kapulungan lalo na sa usapin ng 2019 national budget kung ang SWS survey ang pagbabasehan.
“The increase in high approval rating of the House of Representatives is much appreciated by its members considering the negative accusations thrown in its path months before,” ani Castro.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng naitalang +47% satisfaction rating ng Mababang Kapulungan sa SWS survey noong Marso kung saan tumaas ito ng apat na puntos dahil noong Disyembre 2018 ay +43% lamang ang kanilang nakuha.
Naging mainit ang usapin sa pork barrel issue sa 2019 national budget kung saan inakusahan ng Senado ang mga Kongresista ng pagbabago sa pambansang pondo para maipasok ang kanilang mga pet projects na hindi kasama sa orihinal na pondo.
Pero ayon kay Castro, hindi umubra ang paninira umano sa Kamara dahil imbes na bumaba ang kanilang satisfaction rating ay tumaas pa ito.
“Political mudslinging will never be an obstacle as the House leadership always expects us to buckle down to work and do what we think is beneficial to all. We are energized to see that our citizens appreciate uprightness in our work and our efforts to become transparent on how every centavo will be spent,” ayon pa kay Castro.
Noong nakaraang linggo inilabas din ng SWS ang resulta ng kanilang satisfaction rating survey sa mga top-5 leaders ng bansa kung saan si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang nakakakuha ng napakababang rating na -17%.
147