KAMAY NG CHINA SA CHA CHA, NAGPAPARAMDAM

chacha33

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI isinaisantabi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may kamay ang China sa Charter Change (Cha Cha) na isinulong ng Duterte

administration dahil mawawala na ang hadlang sa mga Chinese nationals na makapagnegosyo at makapagtrabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, kailangang hadlangan ng mamamayang Filipino ang Cha Cha na prayoridad umano ni incoming House Speaker Allan Peter Cayetano dahil kung hindi ay makokontrol na ng China ang ekonomiya ng bansa.

“This Cha-cha will not only open up the Philippines to Chinese labor but even its businesses including retail business which has been gobbling up local hardwares, groceries and other retail business of small Filipino enterprises.  Under this Cha-cha, the Philippine economy could be “effectively controlled” not by Filipinos but by China,” ani Zarare.

Sinabi ni Zarate na bukod sa mga maliliit na negosyo, mabubuksan ng tuluyan umano sa China ang mga public utilities tulad ng kuryente, tubig at mga telecommunication kaya posibleng may kamay ang Beijing sa priority bill na ito ni Cayetano dahil sila ang maggaganansya dito.

Ayon naman kay Bayan Muna chair Neri Colmenares, kapag tuluyang nakontrol ng China ang mga nabanggit na public utilities bibigyan ng 100% ownership ang mga dayuhan sa mga negosyo sa Pilipinas na lalong manganganib ang seguridad ng bansa.

Lalong mapadadali umano sa China ang gagawing pag-eespiya kapag sila na ang may kontrol sa telecommunication facilities at kapag pumalag ang mga karaniwang Filipino ay maaari nilang gantihan ang mga ito sa pamamagitan ng pagputol sa serbisyo ng kuryente at tubig.

“China’s control of our communication, electricity and water is a national security issue. How can we fight for our rights in the WPS if China can spy on us thru its telco and threaten to deprive us of water and electricity?” ani Colmenares.

Dahil dito, kailangang magkaisa aniya ang mamamayang Filipino na hadlangan pagsayaw ng Cha Cha ng Duterte administration dahil nakataya dito , hindi lamang ang seguridad ng bansa kundi ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

326

Related posts

Leave a Comment