KARAGATAN NG PINAS KAYANG IPAGTANGGOL – PHL NAVY

philnavy12

(NI AMIHAN SABILLO)

KUMPIYANSA si Philippine Navy Chief Vice Admiral Robert Empedrad na kaya nang ipagtanggol ng Philippine Navy ang soberenya ng bansa sa karagatan at protektahan ang 7,600 isla ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Empedrad sa pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point Cavite, kung saan panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of staff General Benjamin Madrigal.

Sa naturang okasyon, benindisyunan ang mga bagong air at sea assets ng Navy na binubuo ng dalawang AW159 anti-submarine helicopters at apat na Amphibious assault vehicles.

Ayon Kay Capt. Jonathan Zata, tagapagsalita ng Phil Navy, ang mga bagong dating na gamit ay makapagpapalakas sa kapabilidad ng Navy na pangalagaan ang seguridad sa karagatan.

Pinasinayaan din sa naturang okasyon ang mga bagong pasilidad ng Navy sa Sangley Point, na binubuo ng Magluyan Hall (Philippine Fleet Gymnasium), Headquarters ng Naval Special Operations Group (NAVSOG) at Enlisted Personnel’s Barracks para sa benepisyo ng mga sailors at marines.

Sa pagtatapos ng programa, isinagawa ang send-off ng mga bagong “refurbished and upgraded” na mga barko ng Navy na kinabibilangan ng BRP Magat Salamat (PS20), BRP Emilio Jacinto (PS35), BRP Apolinario Mabini (PS36), BRP Quezon (PS70), BRP Jose Loor Sr. (PC390), at BRP Alberto Navarette (PC394).

Ang mga naturang barko ay nagtungo sa kani-kanilang  “areas of responsibilities” para magsagawa ng mga maritime operations, logistics support missions, at iba pang misyon na may kinalaman sa mandato ng Navy na pangalagaan ang karagatan ng bansa.

138

Related posts

Leave a Comment