KASO NG COVID-19, HIGIT 18K NA

SUMAMPA na sa 18,086 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kasunod ng nadagdag na 862 cases nitong Linggo.

Ngunit paglilinaw ng DOH, sa bilang na 862, 16 lamang ang bagong kaso. Ito ay dahil ang ibang bilang ay mula sa resulta ng pagsusuri sa mga pasyente o COVID-19 test results na isinagawa sa mga nakalipas na linggo.

Sampu sa fresh cases ay naitala sa iba’t ibang lugar, anim naman ang galing sa National Capital Region.

Habang 846 ang late cases o test results na ni-release sa mga pasyente sa nakalipas na apat na araw o higit pa, pero huli nang na-validate.

Ang 238 sa kanila ay galing sa NCR; 235 mula sa repatriated OFWs; 81 ang sa Cental Visayas; habang 292 ang nai-report mula sa iba’t ibang lugar.

“Late cases reported from May 28-31 are based on the validation of complete line lists from 27 operational laboratories and the partial line list from 1 laboratory. No more late cases will be reported until the remaining 14 operational labs submit their line lists,” paliwanag ni DOH Usec Rosario Vergeire.

Kaugnay nito, mayroon nang 957 total deaths sa bansa dahil sa pitong nai-report noong Linggo habang ang total recoveries ay 3,909 dahil sa 101 na naitalang bagong gumaling. D. ANIN

120

Related posts

Leave a Comment