(NI NOEL ABUEL)
PINATITIYAK ng ilang senador sa Department of Justice (DOJ) at sa Security and Exchange Commission (SEC) na dapat madaliin ang pagsasampa ng kaso laban kay Kapa Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, hindi na dapat pang magpatumpil-tumpik ang DOJ na sampahan ng kasong kriminal laban sa mga opisyal ng Kapa upang hindi makalabas ng bansa.
“The Department of Justice (DOJ) and the Security and Exchange Commission (SEC) must work double time in filing criminal cases against Kapa Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario and his cohorts to ensure that they will not be able to flee the country and to bring swift justice to millions of Filipinos who have been duped by the group,” giit nito.
Aniya, bagama’t may inilabas nang lookout bulletin order ang DOJ at Bureau of Immigration (BI) ay hindi umano imposible na makalabas ito ng bansa dahil na rin sa malaking halaga ng salapi na hawak ng mga opisyales ng nasabing grupo.
“While the DOJ has already issued a Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) against eight incorporators and eight officers of KAPA, a court-issued hold departure order is still a more powerful tool in barring Kapa officials from leaving the country with their multibillion-peso loot,” sabi pa nito.
“In the past few years, ilang big time investment scammers na rin ang nakalabas ng bansa natin bago pa man sila masampahan ng kaso, gaya na lamang ni Manuel Amalilio ng Aman Futures Group Philippines na tumangay ng higit kumulang P12 billion mula sa libu-libong investors sa Mindanao,” dagdag pa ni Gatchalian.
Samantala, sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na tiwala ito sa kakayahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at DOJ para mahuli si Apolinario at iba pang kasama nito sa Kapa.
“My atittude is DOJ and NBI have initiated an investigation and we trust them,” aniya pa.
106