KAYA NAGPASAKLOLO; RESSA KAWAWA SA AKIN – PANELO

ressa44

(NI BETH JULIAN)

LUMALABAS kasi siyang kaawa-awa kapag nagkaroon kami ng debate.

Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa pagkuha ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa kay International Human Rights lawyer Atty.  Amal Clooney para maging bahagi ng kanyang legal team sa kinakaharap na kasong tax evasion at cyber libel.

Sinabi ni Panelo na posibleng nabola ni Ressa ang abogadong asawa ng Holywood actor na si George Clooney at na-misinform ito kaya napaniwala na inaapi ng Pilipinas si Ressa.

Gayunpaman, matapang na tinugon ni Panelo ang nasabing hamon at sinabing excited na siyang makaharap si Clooney.

“Bibigyan ko siya (Clooney) ng lecture at ipaliliwanag punto-por-punto ang mga kasong kinakaharap ni Ressa para malaman niya,” wika ni Panelo.

Gayunman, nilinaw ni Panelo na hindi maaring humarap sa korte sa bansa si Clooney dahil hindi naman ito miyembro ng Integrated Bar of the Philippines.

“Maari lamang maging consultant si Clooney o maging tagapagsalita ni Ressa pero hindi siya pwedeng humarap sa korte,” ayon pa kay Panelo.

Si Clooney ay asawa ni Hollywood actor George Clooney na mangunguna sa international defense team ni Ressa.

Pagkakaalam ni Clooney na si Ressa ay ginigipit dahil sa pagiging matapang sa paninindigan niya laban sa pag-abuso sa karapatan pantao.

Tiniyak ni Clooney na isusulong nila ang lahat ng legal remedies para maitaguyod ang karapatan ni Ressa at madepensahan ang press freedom, pati na ang rule of law sa Pilipinas.

122

Related posts

Leave a Comment