(NI AMIHAN SABILLO)
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi haharangin ang mga magsasagawa ng kilos-protesta sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22, mapa-pro o anti-Duterte man ito.
Ayon kay Police Col Bernanrd Banac ang tagapagsalita ng PNP, kinkilala umano ng PNP ang bawat kalayaang na magpahayag ng bawat isa.
“Makikipag-ugnayan po tayo sa mga lider ng iba’t ibang sektor. (jumpcut) subalit ang pakiusap po natin sa mga lalahok sa mga kilos-protesta ay igalang din po nila ang karapatan ng majority, na pagkakaroon ng maayos na daloy ng trapiko,” pahayag ni Banac.
Gayunaman, malinaw umano na ipatuatupad pa rin ang no permit, no rally.
Hinihiling ng PNP na irespeto rin ng mga militante ang karapatan ng publiko.
Dahil dito, aarestuhin ang mga manggugulo, mananakit, o maninira ng ari-arian.
405