KOBE PARAS: GRATEFUL AS FIGHTING MAROON

(NI JOSEPH BONIFACIO)

THERE’S  no place like home.

Ito ang pinapatunayan ni Kobe Paras ngayon sa University of the Philippines (UP) na itinuturing na niyang tahanan matapos bigong maabot ang hindi lamang mga personaly niyang pangarap, gayundin ng buong Pilipinas.

Para kay Paras, susulitin na lamang niya ang panibagong pagkakataon ngayon para sa Fighting Maroons na nagbigay ng panibagong pag-asa na maipagpatuloy ang basketball love, life at career niya – hindi na sa ibayong lugar – kundi sa bayang kanyang sinilangan.

“Win or lose, the UP community is always there for us. I’m very, very grateful for them,” anang 22-anyos na si Paras, na inanunsyo ang paglipat sa Diliman-based squad noong nakaraang taon.

FLASHBACK SA NBA DREAM

Isa ang noon ay La Salle Greenhills standout na si Paras sa pinakaaabangang teen sensation ilang taon na ang nakalilipas matapos magpasiklab para sa Philippine national youth team na Batang Gilas.

Dating two-time FIBA slam dunk champion si Paras, at sa hangaring mabitbit ang Pilipinas sa international stage ay nagtungo sa US para ipagpatuloy ang kanyang high school.

Doon ay nagpasiklab si Paras sa Middlebrooks Academy at LA Cathedral High School na naging daan niya upang makakuha ng offer mula sa established US NCAA school na UCLA na pinagmulan nina Russel Westbrook, Kevin Love at Kareem Abdul-Jabbar.

Subalit hindi rin natuloy si Paras nang malipat ito sa Creighton, kung saan siya naglaro ng isang season at pagkatapos sa California State University – Northridge bago nga inanunsyo ang kanyang pagbabalik-Pinas.

THIRD CHANCE SA COLLEGIATE CAREER

Sa hinaba-haba nga ng prusisyon, sa Diliman napadpad si Paras, anak ng PBA legend na si Benjie.

Dahil Fighting Maroon ang ama, bitbit din ni Kobe ang pagiging pusong Maroon.

“I’m really happy. As everyone knows here, this is my fourth college so I’m just thankful for coach Bo and the whole UP community for giving me basically a third chance not just in basketball but in life,” anang 21-anyos na manlalaro.

“It was really tough but I just thought about it as adversity. My whole life, I’ve been facing adversities so I’m just glad that I’m back on the court and I’m just here to represent UP.”

Hindi binigo ni Paras ang UP community sa unang limang laro niya sa Fighting Maroons matapos madiskaril ang UAAP debut nang hindi makasalang ng tatlong laro bunsod ng ankle injury bago ang season.

Pero, sapol nang sumalang, hindi na nagpaawat ang anak ni Benjie, dahil nasa segunda pwesto ang Fighting Maroons ngayon hawak ang 5-3 baraha.

Nasa Top 5 rin ng MVP race si Paras.

UNIFINISHED BUSINESS

Subalit, hindi pa kuntento dito ang top collegiate player, na hangad makumpleto ang unfinished business sa Fighting Maroons matapos ang bridesmaid finish nito noong Season 81.

Bukod dito, noong 1986 pa kasi huling nagkampeon sa UAAP ang Fighting Maroons, na nais ni Paras maulit ngayon, lalo’t ang ama niyang si Benjie ang naging lider ng pambihirang championship run na iyon 33 taon na ang nakalilipas.

Sa natitirang anim na laro ng umaatikabong UAAP Season 82 men’s basketball tournament second round, nangako si Paras na pagbubutihin pa ang laro, upang masuklian kahit paano ang hinid matatawarang suporta ng Diliman sa kanya na simula’t sapul ay anak na ang turing sa kanya.

“They’re probably the most loyal fan base in the UAAP. You can see other teams out there that pag maganda lang yung matchup, doon lang may nanonood. Pero sa amin, it doesn’t matter whom you go up against. It’s like a home court advantage every game, so I’m just blessed to be a part of UP and I’m just really happy to play for the fans and the whole UP community,” dagdag ni Paras.

“I just want to win. It sucks to lose out there. They know how it feels to lose, so I just gotta do better and put this behind us and prepare for the next game.”

157

Related posts

Leave a Comment