SUSUNOD sa utos ni Pangulong Duterte ang Kamara sa pagpapabuwag sa Road Board, ayon kay Majority Leader Rolando Andaya, Jr. Sinabi nito na nagsalita na ang Pangulo at narinig ito ng Kamara. Susunod umano sila base sa sinasabi ng Pangulo.
Una nang sinuportahan ng Pangulo ang Senado sa abolisyon ng Road Board na sinasabing gatasan lang ng mga corrupt na government officials.
Ngayong nagsalita na ang Pangulo, makakatutok na umano ang Kamara sa paghimay sa budget, parked pork at sa P75-bilyong DBM insertions,” sabi pa ni Andaya sa mga reporters. Gayunman, sakali buwagin ang Road Board, kailangan umanong buwagin ito nang tuluyan at hindi pwedeng ibabaling lang sa mga ahensiya ng gobyerno para sila ang mangasiwa nito.
156