‘KRISIS SA UNEMPLOYMENT TITINDI PA SA DU30 GOV’T’

tambay12

(NI JEDI PIA REYES)

TITINDI pa umano ang problema sa unemployment o kawalan ng trabaho sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy ni Sonny Africa, ng non-profit research group na IBON Foundation, ang pagbagsak ng oportunidad sa paggawa o trabaho sa sektor ng agrikultura.

Aabot aniya sa 1.7 milyong trabaho ang nawala sa agriculture sector na mula sa dating 10.9 milyon nuong Enero 2018 ay umabot na lamang ito sa 9.2 milyon nuong Enero ng kasalukuyang taon.

Sa kabuuan ng populasyon ng bansa, sinabi ni Africa na umaabot sa 9.8 porsyento nito o 4.5 milyon ang walang trabaho.

“Ito na ang pinakamalalamang pagbagsak ng trabaho sa post-Marcos era. Sa buong 33 years since 1986, limang beses lang nagkaroon ng contraction sa employment, sa limang beses na yan, dalawa ay nasa loob ng Duterte administration” pahayag ni Africa.

“The other times were in 1997 — during the financial crisis — in 2005, and during 2014. So basically two out of the five times na nabawasan ng trabaho, dalawa doon ay nangyari during the Duterte administration,” dagdag pa nito.

Pinalagan din ng IBON Foundation ang pagbibigay ng prayoridad sa mga Chinese worker sa ilang mga lokal na construction job.

“Over 20 percent yung trabaho doon, including those skilled works, is binigay sa Chinese workers. So iniisip namin ngayon, ano ba talaga?,” puna ni Africa patungkol sa dalawang proyekto ng pagtatayo ng tulay sa Maynila at Marikina.

“So if you’re going to think of it, hindi totoo na prinoprotektahan nila at binibigyan nila ng supporta ang Filipino workers,” hirit pa ni Africa.

 

 

165

Related posts

Leave a Comment