LEGISLATIVE FRANCHISE NG ABS-CBN TINENGGA SA 17th CONGRESS

duterte abs12

(NI ABBY MENDOZA)

HINDI inaksyunan ng House of Representatives hanggang sa magtapos ang 17th Congress ang legislative franchise ng broadcasting giant na ABS-CBN Corp.

Taong 2016 pa nakabimbin ang apela ng ABS-CBN para sa renewal ng kanilang prangkisa na nakapaloob sa House Bill 4349 na inihain ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago subalit hindi ito naaksyunan at hanggang sa tuluyang mag-adjourned ang sesyon ng Kamara noong Hunyo 5 ay walang isinumiteng report ang House Committee on Legislative Franchises ukol sa prangkisa ng televison and radio company.

Ang legislative franchise ng ABS-CBN ay mapapaso sa Marso 20, 2020.

Nangangahulugan na kung hindi ito mabibigyan ng prangkisa sa 18th Congress o bago mag-expire ang kanilang prangkisa sa susunod na taon ay kinakailangan na magsara ang kompanya.

Ang ABS-CBN ay tinukoy ng Duterte administration na kritiko nito.

Aminado ang ilang miyembro ng komite na hanggang si Pangulong Rodrigo Duterte ang Pangulo ng bansa ay hindi matatalakay ang prangkisa ng ABS-CBN at manatili itong nakabimbin.

“They have to thresh out and resolve their issues with the President. That’s the key to get the bill moving,” pahayag ng isang miyembro ng komite.

Una nang umapela si Violago  sa Kamara na bilang pagkilala sa naging kontribusyon sa bansa ng ABS-CBN ay dapat itong mabigyan ng renewal ng kanilang pragkisa subalit hindi naman ito umusad sa komite at nanatiling nakabimbin.

Tanging ang prangkisa ng ABS-CBN ang naka-freeze sa Kamara habang ang kalaban nitong network ay nabigyan na ng prangkisa.

163

Related posts

Leave a Comment