INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga militanteng mambabatas at organisasyon na kasama sa grand conspiracy na pinangungunahan ng Communist Party of the Philippines para patalsikin ang pamahalaan.
Nilinaw ni Pangulong Duterte na ang mga grupong gaya ng Makabayan bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso, Bayan at Gabriela ay hindi nire- red-tagged ng gobyerno.
“Let’s start with… Unahin ko na ‘to ha. Itong mga legal fronts ng komunista, lahat ‘yan Makabayan, Bayan, they are all legal fronts, Gabriela. Hindi ‘yan sila — we are not red tagging you. We are identifying you as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos ‘yung — sagol ang New People’s Army, NDF at Communist Party of the Philippines,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
Ibinuking ng Pangulo na may ilang tao na galing sa kampo ng mga ito ang lantad sa pag-atake.
“Not only criticized, for your sheer brutality in this communal war. Communal war ito. There is no longer any ideology. Wala itong mga komunista wala nang ideo… They do — gusto lang nila umagaw ng gobyerno,” ayon sa pangulo.
“Mga bobo naman ang putang ina. Sinong mga bright? Si [Joma] Sison? Iyon ‘yung bright si Sison? Susmaryosep. Iharap mo si Sison sa akin, magdebate kami,” giit ng pangulo.
“Ano nakuha mo diyan sa ideology na ‘yan communism? They are accusing red tagging you. No, the Armed Forces of the Philippines is very correct. You are being identified as the members of the communist. Alam namin. Iyon ang totoo. Hindi red-tagging. Iyang si Zarate, si — lahat kayo.
Kita mo tapos abugado ng… Susmaryosep. Alam mo sabihin ko nangangailangan ka ng pera. That’s the only reason. Komunista ka to defend an oligarch. Hindi ka naman summa cum laude.
Pareho naman tayo pumasa ng bar. Kung magsalita ka you make it appear that we are milking the government of… It’s you.,” dagdag na pahayag ng pangulo.
“Alam mo sa totoo Zarate ‘pag nakikita kita sa TV, para akong nakakita ng tae ng iro, para akong nakakita ng tae ng aso. Sa totoo lang. Bantay ka sa akin,” pagtiyak ng pangulo.
“MAMAMATAY KAYO”
Kasabay nito, binalaan ni Pangulong Duterte ang mga Lumad na lumalaban na rin sa pamahalaan kasama ng CPP-NPA na lalansagin din sila ng militar.
Ang pahayag na ito ng pangulo ay matapos mapaslang si Jevilyn Cullamat sa 45-minutong engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Barangay San Isidro sa Marihatag, Surigao Del Sur.
Si Jevilyn Cullamat ay isang Lumad at anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Cuillamat.
“If this thing goes on, the Lumads yung native na Pilipino talaga will become an extinct tribe, pag hindi kayo huminto dyan, lumayas, forever kayong wanted,” ayon sa pangulo.
“Hindi ka na makababa at kung ma-timing-an ka, sabi nga ni Parlade sa Armed Forces, delikado kayo, mamatay kayo, sama-sama kayo dyan,” dagdag na pahayag nito.
AYAW PATULAN
Ayaw patulan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate si Pangulong Duterte na naglarawan sa kanya bilang “tae ng aso” at miyembro siya at mga kasamahan niya sa Makabayan bloc ng komunista.
“Walang patutungunahan kung papatulan mo ang ganung patutsada dahil it will only divert the real issue here,” pahayag ni Zarate.
Subalit ayon kay Zarate, linggo-linggo ay sinisiraan ni Duterte ang kanyang mga kritiko na pumupuna sa kaniyang kabiguan na resolbahin ang mga pangunahing problema ng bansa.
Mistulang ayaw umano ni Duterte na sinisita siya ng mga kritiko sa usapin ng kabiguan ng gobyerno na makontrol ang COVID-19 pandemic, kabiguan nito na lansagin ang katiwalian sa gobyerno at maging ang problema sa droga.
Gayunpaman, itinanggi nito na kabilang siya sa CPP-NPA o maging sa NDF “but I am proud to say that I am an activist” na hindi umano nangangahulugan na siya ay terorista na.
Ayon naman kay Rep. Ferdinand Gaite, kapag nasusukol si Duterte ay nag-iimbento ito ng kuwento tulad ng alegasyon nito na gustong agawin ng Makabayan bloc ang gobyerno.
“Is this the new version of their “Red October” ouster conspiracy hoax? Everytime the regime is caught in issues of its own making, they hatch this kind of chilling propaganda to legitimize red-tagging and subsequent attacks against their critics,” ani Gaite.
“MAGPAKATOTOO”
Iyan naman ang maiksi subalit makahulugang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa pahayag ni Zarate na kumbinsido siya na diversionary tactic lamang ang mga pag-atake ni Pangulong Duterte sa ilang mambabatas para mawala ang mahahalagang isyu sa mata ng publiko. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
