MANILA WATER, MAYNILAD NAGPATAAS NG RATING NI DU30 

du30with people12

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANINIWALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang pagkabog ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga oligaryo  tulad ng Maynilad at Manila Water ang isa sa mga nagpataas sa kanyang ratings lalo na sa hanay ng mga mahihirap.

“These trust ratings quantify the massive political capital President Duterte has and which he is willing to use against the oligarchs who have controlled Filipino lives for far too long, ani BH party-list Rep. Bernadeth Herrera.

Base sa Pulse Asia survey, mula sa 75% na approval rating na ibinigay ng Class D kay Duterte noong Setyembre, nadagdagan ito ng 10% kaya umabot ito ng 88%  nitong Disyembre.

Binigyan naman ng Class E o ang pinakamahirap na sektor ng lipunan ng napakataas na 84% approval rating si Duterte habang ang Class ABC ay 89% ang ibinigay na approval rating o mas mataas ng 14% kumpara sa 75% na naitala noong Setyembre.

“We have a President who listens to the people and who acts decisively,” ani Herrera dahil isinagawa ang survey ng Pulse Asia sa kasagsagan ng usapin sa concession agreement sa Maynilad at Manila Water kung saan agrabyado ang mga consumers.

Magugunita na inutos ni Duterte na rebyuhin ang concession agreement ng Manila Water at Maynilad matapos idemenda ng mga ito ang gobyerno sa Permanent Court of Arbitration (PCA) na nakabase sa Singapore matapos hindi sila payagang magtaas ng singil mula noong 2015.

Nanalo ang mga ito sa  kaso kung saan pinagbabayad ang gobyerno ng P7.4 Billion sa Manila Water at P3.4 Billion sa Maynilad na ikinagalit ni Duterte at agad na pinarebyu ang kasunduan kung saan natuklasan na 8 hanggang 12 probisyon dito ay agrabyado ang gobyerno at consumers.

Umatras naman ang Manila Water at Maynilad sa paniningil at pumapayag ang mga ito na baguhin ang concession agreement subalit hindi pa rin nagpatinag dito si Duterte.

 

164

Related posts

Leave a Comment