MANUAL AUDIT TATAPUSIN SA LOOB NG 15-ARAW

comelec vote12

(NI HARVEY PEREZ)

TATAPUSIN ng 12 hanggang 15 araw ang official na Random Manual Audit (RMA) sa naganap na national and local elections nitong Lunes.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissiomer Luie Guia, ang mga teachers ang mag-audit ng mga ballot boxes sa may 715 polling places sa bansa.

Magsisimula ang RMA, alas 8:00 ng umaga at magtatapos alas 8:00 ng gabi at gagawin sa Diamond Hotel sa Maynila.

“Ang tinitingnan lang talaga is kung tama yung pagbibilang ng boto nung makina ayan yung first objective ng RMA– para malaman natin kung may systemic error ba doon sa pagbibilang ng mga boto natin,”ayon kay Guia.

Maaari umamong gamiting ebidensiya sa anumang election protest ang resulta ng RMA.

Magsisilbi umanong supervisor ang Comelec ng mga auditors at ang mga teachers ang magsasagawa ng RMA kung saan kinabibilangan ito ng 60 teams.

 

102

Related posts

Leave a Comment