MARCOS INIUTOS PALAKASIN CYBERSECURITY SYSTEMS NG PNP

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R, Marcos Jr. na palakasin at paghusayin ang cybersecurity systems ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng karagdagang pagsasanay sa mga tauhan nito at mamuhunan sa teknolohiya na makatutulong na tugunan ang tumataas ang cybercrime at umuusbong na isyu ng cybersecurity.

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na habang mayroong “improvement” sa crime statistics ng bansa, nananatili pa rin na mayroong pangangailangan para sa PNP na ituon ang pansin sa pagtugon sa cybercrimes.

“Although seemingly nakita natin na nag-improve ‘yung crime statistics—it went down by 10 percent—but as we dissected further this crime statistics, there is a need for us to focus on cyber crimes,” ayon kay Acorda.

Base sa National Peace and Order Situation report na ipinresenta ni Acorda sa Pangulo, ang kabuuang bilang na iniulat sa pagitan ng July 1, 2022, at January 31, 2024, o peace and order indicator, bumaba ang krimen ng 10.66% kumpara sa panahon ng December 1, 2020 hanggang June 30, 2022.

Sinabi ni Acorda na “as of 2023”, nagsanay ang PNP ng kabuuang 487 police officers sa cybersecurity.

Winika ni Acorda na susunod sila sa direktiba ng Pangulo para palawigin ang access ng kanilang pagsasanay pababa sa bawat police stations gamit ang kanilang 2024 budget.

Sa kabilang dako, kinilala ni Acorda ang papel ng SIM (Subscriber Identity Module) Registration Act sa pagtatatag ng pagkakilanlan ng mga perpetrator o salarin.

“Malaking bagay po talaga when it comes to the identity, or establishing the identities of these perpetrators sa online. Through the SIM card identification, medyo nati-trace natin, nakakatulong sa pagtrace natin sa mga identities ng mga scammers,” pahayag ni Acorda.

(CHRISTIAN DALE)

58

Related posts

Leave a Comment