Mas makahihikayat kaysa raffle VACCINATION REGISTRATION GAWING SIMPLE

0

HINDI raffle kundi ang madali at maayos na pagpaparehistro sa mga local government units (LGUs) ang sagot para makumbinsi ang publiko na magpabakuna.

Reaksyon ito ni House committee on ways and means chairman Joey Salceda matapos maglaan ang Department of Health (DOH) ng P3 million na ipara-raffle sa mga magpapabakuna.

“Vaccination incentive, easy registration better than raffle in encouraging Pinoys to get COVID-19 jabs,” ayon sa mambabatas.

Ayon sa mambabatas, marami pa rin ang hirap makapagrehistro sa pamamagitan ng online sa kanilang LGUs lalo na sa mga probinsya kung saan mahirap ang internet connection.

Bukod dito, kailangang bigyan umano ng insentibo ang mga tao lalo na ang mga manggagawa na arawan ang sahod na kailangan pang mag-absent para magpabakuna.

“The problem is not the lack of some probability of winning a big prize. The problem is for many, they have to skip a work day just to get jabbed. For the average wage worker, that will cost them the day’s pay,” paliwanag ng solon.

Kung maaari rin aniya, itaon ng LGUs sa araw na walang pasok ang mga nagparehistrong manggagawa para mabakunahan upang hindi sila mawalan ng income.

“Earlier this year, I already proposed that we give a day’s worth of minimum wage as a vaccine incentive. There are places where that’s being done already, like Davao City,” ayon pa kay Salceda. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment