(NI ABBY MENDOZA)
KINUMPIRMA ni National Food Authority(NFA) Administrator Tomas Escarez na inihahanda na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kumpensasyon para sa mga kawani ng ahensya na mawawalan ng trabaho bilang epekto ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Escarez nasa 400 kawani na nasa regulation at monitoring section ng ahensya ang unang maapektuhan, kasunod ang nasa distribution at procurement, sa kabuuan umano ay hindi pa nya alam ang kabuuang bilang ng mga mawawalan ng trabaho sa NFA dahil nakadepende pa ito sa aaprubahang restructuring sa NFA.
“Ang tiyak lang ay marami ang mawawalan ng trabaho dahil ang maiiwan na trabaho na lamang sa NFA ay yung sa buffer stock na hindi na kailangan ng maraming empleyado”pahayag ni Escarez na aminadong emosyonal sa nangyayari sa ahensya dahil marami sa kanila ay sa NFA na tumanda na gaya nya ay 40 taon na nagsilbi sa ahensya na nagsimula bilang laborer hanggang umakyat sa pinakamataas na posisyon.
Sinabi ni Escarez na may pagtiyak naman ang DBM na ang lahat ng benepisyo ay matatanggap ng mga tatangaling kawani.
140