MGA BIKTIMA NG LINDOL, TUTULUNGAN NG PCSO

pcso12

(NI NICK ECHEVARRIA)

HANDANG magbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO), sa mga Local Government Units (LGUs) at sa bawat pamilya na naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes sa ilalim ng Calamity Assisstance Program (CAP) nito.

Layunin ng hakbang na palawigin ang resources ng mga LGUs sa pagbibigay ng mga pinansiyal na tulong sa bawat indibidwal at sa mga pamilya na tinatamaan ng mga natural at man-made calamities.

Ayon sa PCSO, karapatan ng mga LGUs na biktima ng  kalamidad na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan.

Gayunman, sinabi ng PCSO na tanging ang mga qualified beneficiaries lamang ang prayoridad nila sa pagbibigay ng ayuda sa pamamagitan ng financial assistance na maaaring magamit sa mga kinakailangang pagkain para sa mga feeding projects sa mga pamilyang nasa mga evacuation centers.

Maaari rin itong gamitin sa pagbili ng mga gamot at medical supplies na mahalaga para sa mga “health-related activities” upang mapigilan ang pagkakasakit at maibigay ang pangangailangan ng mga biktima tulad ng  malinis na tubig at hygiene o sanitation requirements.

Maaari ring magsagawa ang PCSO ng mga medical missions sa mga apektadong pamilya at sa mga inidibidwal na biktima ng kalamidad sa ilalim ng kanilang Individual Medical Assistance Program (IMAP).

Samantala, kahit nag-anunsyo ang Malakanyang ng suspension ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila nitong Martes, nagbukas pa rin ang PCSO sa pamamagitan ng skeletal force para sa gaming at charity operations ng ahensya.

Tututukan ng mga empleyado sa Charity Sector ang pagre-release sa publiko ng mga guarantee letters.

Sarado naman ang tanggapan ng PCSO sa mga lalawigan ng Pampanga, Zambales and Nueva Ecija nitong Martes para bigyang-daan ang inspection sa mga gusali nito kaugnay sa  posibleng naging pinsala, habang regular naman ang operasyon ng ahensya sa mga lugar na hindi naman apektado ng pagyanig.

Sa kabila kahandaan ng PCSO, ikinalungkot naman nito ang sinapit na trahedya ng mga biktima ng 6.1 magnitude na lindol.

 

100

Related posts

Leave a Comment