(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI naitago ng militanteng grupo sa Kamara ang kanilang pagkatakot sa pagdedeklara ng gobyerno na isailalim sa election hot spot ang buong Mindanao ngayong eleksyon.
Maging ang pagbuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Government of the Republic of the Philippines (GRP) Peace Panel ay labis na ikinakabahala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.
“This is completely baseless and scary as well as unprecedented,” paglalarawan ni Zarate kung saan inaasahan na umano ng mga ito na malaking epekto ito sa kanila dahil ngayon pa lamang ay pinapaigting na umano ng mga government forces ang pag-atake umano sa kanila grupo.
Sa ngayom aniya lalo na sa Mindanao ay nakararanas ng sistematikong pag-atake umano ang kanilang mga miyembro at harap-harapan na umanong nangangampanya ang mga government forces laban sa kanila.
Inamin naman ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus na ramdam na ramdam na nila ang panggigipit umano sa kanilang grupo kapag nangangampanya ang mga ito sa mga lalawigan.
136